#ICYMI: ALAM MO BA na sa ilalim ng #RA11767 o ang “Foundling Recognition and Protection Act” na ang isang batang hindi alam ang tiyak na petsa ng kanyang kapanganakan at/o kung sino ang kanyang mga magulang na natagpuan sa Pilipinas o sa mga embahada, konsulado, at teritoryo ng Pilipinas sa ibang bansa ay ipinapalagay na isang “Natural-Born Filipino Citizen” — anuman ang katayuan o kalagayan ng kanyang kapanganakan? #FYI #JICYMI
Tinitiyak ng National Authority for Child Care (NACC) na ang mga Foundling ay nabibigyan ng Alternative Child Care Options o angkop na pangangalaga tulad ng “kinship care, foster care, or even residential care” na naaayon sa mga umiiral na batas — habang ipinagpapatuloy ang paghahanap at pagsusuri ng mga katotohanan ng kapanganakan at magulang ng isang Foundling…
Bisitahin ang aming website para sa mga karagdagang impormasyon: www.nacc.gov.ph