ALAM MO BA na binansagang “Adoption and Alternative Child Care Week” ang ikalawang linggo ng Hunyo ng bawat taon (2nd week of June of every year) sa ilalim ng Republic Act 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act?”
Kaya’t inyong abangan ang ating pagdiriwang ngayong taon ng Adoption and Alternative Child Care Week na may temang “Journeying Together: Discovering the New Law and Celebrating Legal Adoption;” sa ika-9 at ika-10 ng June 2022, alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, LIVE sa Facebook Page ng National Authority for Child Care (NACC) na naglalayong ipaalam sa publiko ang hangarin ng NACC na mabigyan ng wastong pamilya ang bawat batang naulila sa ating bansa sa lalong madaling panahon.